The story of us
Sino bang magaakala, crush ko lang dati ngayon all-mine-boyfriend ko na…
November 2011 nang una ko syang makita. Kagagaling lang namin nun sa mass at kasama ko sina Jessica, Mang Mike, Gleton at Bugoy. Hindi ako ang unang nakapansin sa kanya kundi si Jessica (dahil sa sobrang excited kong umorder dahil gutom na gutom na ako nun) nung pumasok kami sa isang Pinoy Resto kung saan kami mag didinner at kung saan kumakanta sya. Lead vocalist at guitarist sya ng isang band.
Busy akong naghihintay ng food non (oo ako na ang matakaw), bigla nalang akong kinalabit ni Jessica, naka smile sya, tumingin sakin sabay sabi “yna ang cute nung vocalist tingnan mo!” Kinuha ko ang eyeglasses ko (dahil malabo ang mata ko) at dun, for the first time nakita ko sya, kumakanta ng Marry You. Ang unang impression ko sakanya is oo nga cute! pero mukang mahangin. Sabi ko kay Jess, hmmm pwede na, carino. Pero the whole time na kumakain kami nakatitig lang ako sa kanya. Yes, stalker na agad. HAHA. Tinititigan ko sya habang kumakanta sya, hindi ko alam kung bakit, dahil na hypnotized ako sa kanta nya? O dahil nagwapuhan lang ako? :DD I DON’T KNOW. All I know is nakatitig ako sa kanya nun. And because I was certain na hindi naman nya ako nakikita, sa dami ba naman ng tao na nandun mapapansin ba nya ako, tuloy lang ako sa pagtitig.

Tapos na kami kumain. Nasa resto padin kami, nag eenjoy sila Jessica sa banda, nageenjoy naman ako sa pagtitig sa kanya :DD biglang dumating si Mac, na pinsan ni Jessica. At dun na nagsimula ang lahat. Habang nag be-break ang band sa pagtugtog lumapit si Mac sa lead vocalist at binati nya. Hindi ko alam kilala pala nya ang lalakeng kanina ko pa tinititigan. Ok, so sabi ko sa isip ko wow what a small world! After non pumunta sa table namin si Mac, binati kami, tapos may bigla nalang sinabi si Jessica kay Mac na hindi ko alam (Ilokano teh!) Up until then ok pa naman ako, ng BIGLANG…maya maya nakatabi na si Mac sa lead vocalist…and then a second later may binubulong na sya at tinuturo ako.
OK so nagpanic nako. Nanlaki na mga mata ko. Ganito oh O.O Sigurado ako, 100% sure ako ang topic nila, at gusto kong malaman kung ano yun. Nagsimula nakong mag inarte kay Jessica “hoy Jessica baliw ka! anong sinabi mo kay Mac, bakit bumubulong sya dun sa vocalist at nakaturo sakin” Si Jess patawa tawa lang (yun bang malanding tawa na may halong kilig) sabi nya sakin wala wala pero alam ko ALAM NA ALAM KO may sinabi sya na something intriguing. Si Jessica Soni pa!
Kinakabahan ako non dahil baka kung ano ang sinasabi tungkol sakin at syempre ayokong mapahiya pero at the same time sobrang adrenaline ako nun. Para bang exciting malaman kung ano yung pinagusapan nila. Pero hindi ko naman ineexpect na mapansin ako ni “mr. vocalist”, sa dami ba naman ng ibang magagandang babae dun, yung mga fans pa nya na tili ng tili sa kanya at pa picture ng pa picture, tapos walang walang make up at porma pako nung gabi nayun.
Gumagabi na, oras na para umuwi, sabi ko non sa isip ko “paano ako makakalabas”, para makalabas dadaan ka muna sa harap ng band, at ayokong dumaan sa harap ni vocalist lalo pa’t tinuro ako ni mac. NAHIHIYA AKO. Muka lang makapal ang mukha ko pero marunong parin akong mahiya. HAHA. :DD
Pero kailangan kong lumabas, dahil kung hindi paano ako makakauwi. So sabi ko sige hindi ko nalang sya titingnan habang dumadaan ako. Pero hindi ako nakatiis, tumingin parin ako sakanya. Damn it! At sa dulo ng mata ko nakita ko tumingin din sya sakin. Oh well, kinilig ako ng konti. Konti lang naman. HAHA. E bakit ba, babae ako at yung crush kong vocalist ang tumingin sakin, syempre sino ba naman ang hindi kikiligin dun. Pero alam kong tumingin lang sya sakin dahil tinuro ako sakanya ni Mac. Sino ba naman nga ako para tingnan nya. HAHA. Nung nasa labas na kami biglang hinabol ako ni Mac at may binulong sakin, sabi nya “JORDAN”. Ako naman, hindi ko nagets agad sabi ko “huh?”, sabi nya “Si chiama Jordan”. Napangiti ako, Jordan pala huh :DD Pero akala ko dun na nagtatapos lahat. Wala na eh, nakalabas nako sa resto at back to normal na ulit. Yun pala doon magsisimula ang lahat :))
Kinabukasan, wala na. Nawala na sa isip ko si mr. vocalist na Jordan pala ang name. Hapon na non. Biglang nagtext si Jessica. Sabi nya yna ano na may balita kaba kay jordan. At dun naalala ko sya ulit. Pero naalala lang. Kasi akala ko nga wala lang yun. Sumagot ako kay jess ano naman ang magiging balita ko sakanya e hindi naman kami magkakilala non. Pag uwi ko sa bahay nag check ako agad ng facebook. May 1 notification ako at 1 friend request. Una kong tiningnan yung noti, si Jessica, may sinulat daw sa wall ko, binasa ko yna ano nahanap mo naba sya sa facebook, si Jordan? hihi Rereply-an ko sana yung post nya hindi ko pa nakikita dahil hindi ko naman hinanap, pero titingnan ko na ngayon. Sinulat ko lang yun pero hindi ko pa na sesend. Bigla kasi akong napaisip. May 1 friend request ako. Binura ko muna yung comment reply ko kay jess at tiningnan ko yung friend request ko…tadààà JORDAN STA MARIA. Akalain mo! Si mr.vocalist na hindi naman ako kilala inadd ako sa FB (syempre pano nya malalaman ang name ko kundi dahil kay Mac). Syempre ako naman inaccept ko agad, at wala pang 5 minutes eto na sya sa chat. Hi Hello nice to meet you bla bla bla etc etc. Nung una medyo kinikilig pa, nang biglang nyang sinabi papatayin ko na tong pc, eto number ko txt mo nalang ako. And I was like what? ganon lang? eto ang number ko txt moko? E diba ako yung babae so dapat ikaw ang humingi ng number ko. Eto lang naging expression ko —-> -_-” Ang hangin lang dre! Yabang lang tol, sabi ko sa isip ko. Naku jan ka na nga, nalaman mo lang siguro na sinabi kong cute ka sinasamantala mo naman. Take for granted lang. Typical ng mga Playboy kaya na turn off nako. Sabi ko, ayy ayoko na. Hindi ko kinuha yung number nya at hindi ko sya tinext. Imba lang yung episode na yun eh. Yung mga sumunod na araw lagi parin sya nakikipag chat, ako naman kahit sabi kong ayoko na sumasagot parin ako, HAHA, pero walang buhay na chat, in fact sabi nya sakin bakit ba ang sungit sungit mo sakin, hindi ko lang masabi nayayabangan kasi ako sayo dude. Hanggang sa lumipas ang 2 weeks, one sunday, kasama ko ulit sila jess, mang mike & co. after ng mass nagaya sila mag dinner sa labas. Pumayag ako as long as hindi sa PFF, kung saan alam kong tumutugtog sila Jordan. Sa Asian Delight kami kumain, but after non nagaya sila maginom. Sa PFF nalang daw. Patay tayo dyan! Sinabi ko ng ayoko pumunta dun eh. Pinilit ako ni jessica, sandali lang daw, at dahil ayoko namang masabihan ng KJ ng iba nyang kasama sumama nako. Ayun pumunta kami sa PFF, nandun sya, kumakanta, naka shades at cap, ma-ala Bruno Mars ba ang dating.
Ako naman deadma lang the whole time. Kanta sya ng kanta, alam kong tumitingin sya sakin, pero ako hindi ko talaga sya pinapansin. Yabang mo kasi nung simula eh. HAHA. Nagbreak sila sa gig, tas sa dulo ng mata ko may nakikita akong guy naka white tshirt at cap na papalapit sa table ko. Kinabahan ako bigla, pero syempre di ko pinapahalata. HAHA. At puuuuf ang bilis! Nandun na sya agad sa harap ko at yung kamay nya, gusto nya makipag shake hands. Syempre ako naman para hindi bastos nakipag shake hands na. Sabi pa nya pasensya na may kalyo pa mga kamay ko, sa pag gigitara kasi yun. May kalyo nga naman. HAHA. Pero imbis na ako yung kiligin e yung mga kasama ko, na para bang wala ng bukas. Ang hindi namin alam yung table pala na nasa likod namin e family nya. Kakahiya naman!
Trying hard syang makipag kwentuhan sakin, trying hard naman akong magtaray sakanya. HAHA. Pa hard to get lang teh! Tapos sabi nya bakit hindi mo ako tinetext binigay ko na sayo ang number ko sabi ko naman e wala naman akong sasabihin sayo TOINKS! nablanko daw sya dun. HAHA. Tapos yun na. Tapos na ang kwento. JOOOOOOOOOOKE :DD
Umuwi na ako after non, di narin nagpaalam sa kanya. Kinagabihan eto nanaman sya sa chat at this time hinihingi na nya ang number ko (allelujah nagising ka din!). Ako naman malakas ang trip non kaya number ni jessica ang binigay ko. XD haha. Ayun nagkatuwaan kami sa trip ko hanggang sa, pupunta kami sa PDR non kasama mga friends ko di ko alam ininvite pala ni jessica si jordan na sumama samin kaya nagulat nalang ako na nung nagkita kita kami nandun din si mr.vocalist. Yung araw nayun sa PDR turned out to be our first date.

Sa Flunch kami nag lunch habang sila Jessica, sa tig-pipisong hotdog sa IKEA kumain. HAHA. Dun kami nagsimulang magkwentuhan, magtanong sa isa’t isa, hindi na ako nagtataray sa kanya pero sya panay ang pagpapa cute. HAHA. kala nya hindi ko pansin yun. At the end of the day sabi ko sa sarili ko Ok naman pala, hindi naman pala ganun kayabang. haha. Tapos after non nasundan na ng iba pang dates. Punta kami sa McDo [kung saan una kong napansin na ang haba pala ng eyelashes nya. ang gondoooo lang], ininvite nya ko sa binyag ng pamangkin nya pero hindi ako nakapunta kaya nagkita nalang kami nung gabi sa PFF at dun binigyan nya ako for the first time ng rose.

Then nasundan yun ng mga dinners sa PFF, bowling, pub, at kung saan saan pa. Minsan kasama ang mga friends ko, minsan ang mga friends nya.

Pero kailangan kong umuwi nun sa sansevero para sa Christmas kaya magkakahiwalay kami non ng ilang weeks. Ang lungkot lang non. Kung kelan nakikilala mo na sya at nagugustuhan chaka naman kayo magkakalayo. Well…ahmm…during those 3 weeks na nagkahiwalay maraming bagay ang nangyari. Sooobrang dami. Pero na overcome naman namin lahat ng mga yun. Thank you narin kay Mang Mike dahil nung times na parang…ahmm…gusto ko ng i-give up ang lahat nandun sya at pinush nya akong ituloy. Maraming kumontra. Maraming hindi nagtiwala sa kanya. Maraming nagsabi hindi kami magtatagal. Maraming issues ang lumabas pero on 24/JAN/2012 we made it official! At para sa lahat ng kumokontra noon at hindi nagtitiwala sa kanya eto lang ang masasabi ko, 4 months na kami at getting stronger pa. Maraming beses nagkatampuhan, araw araw nagaaway pero eto parin kami, walang cool off cool off walang break up break up. I LOVE YOU BABY J! Happy Monthsary!
